Suportado ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera ang ipatutupad na taas pasahe ng LRT lines 1 at 2.
Aniya, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang financial stability ng operasyon ng LRT.
Ngunit paalala nito na dapat tiyaking maibibigay ang nararapat na 20% discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability.
Mungkahi pa nito na maglagay ng discount lanes para sa naturang sektor.
“The 20 percent fare discount can be implemented better with discount lanes and configuration of the cash registers to automatically compute the discounted fare.” ani Herrera
Paalala ng kinatawan na bagamat bumababa na ang inflation rate at malayo pa rin ito sa dalawa hanggang apat na porysentong range na ikinokonsidera bilang normal.
Kaya hinimok din nito ang wage board na magbigay ng wage increase upang mapunan ang taas pasahe lalo na para sa minimum wage earners.
“Though inflation is declining, the inflation rates are still not at the 2 to 4 percent range that can be considered normal because inflation remains elevated at 6 percent. Informal sector workers and those employed by employers who do not comply with minimum wage orders are most at-risk…at the very least, the wage board should grant a minimum wage increase that covers the recent fare hikes and increases in the prices of some food items.” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes