DMW at DHSUD, lumagda ng kasunduan para sa proyektong pabahay sa mga OFW at kanilang pamilya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang Memorandum of Agreement ang Department of Migrant Workers, Department of Human Settlements and Urban Development upang tulungan ang Overseas Filipino Workers na magkaroon ng bahay para sa kanilang pamilya.

Ang nasabing partnership ay magbibigay daan sa mga eligible OFW na maging benepisyaryo sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, mahalaga ang paglalaan ng mga housing unit para sa mga OFW dahil kinikilala rin nito ang napakalaking ambag ng mga ito sa ating bansa.

Para naman kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, handang tumulong ang kanilang kagawaran sa mga OFW na tuparin ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Lumagda rin sa isang kasunduan ang DMW at Pag-IBIG Fund kung saan makakapagsagawa ang ahensya ng education and information campaign sa mga OFW at hikayatin na kumuha ng 4PH program para sa mga OFW.

Magsasagawa rin ang Pag-IBIG ng mga proyekto upang itaguyod ang financial literacy sa mga OFW na makakatulong sa kanila na magkaroon ng savings at investment.

Magbibigay naman ang DMW ng platform at venue para sa Pag-IBIG upang i-promote ang kanilang mga programa at serbisyo para sa mga OFW. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us