DMW at DTI, hinihikayat ang mga unibersidad na mag-alok ng short courses sa mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Department of Migrant Workers at Department of Trade and Industry ang mga pamantasan na mag-alok ng mga short course sa Overseas Filipino Workers.

Halimbawa na rito ang Alternative Learning System na ino-offer ng Ateneo De Manila. Inorganisa ito ng DMW na libre sa mga OFW kung saan nakakapag-aral sila online.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, tumaas ang confidence level ng mga nakapagtapos ng ALS kaya mahalagang makipag-partner ang ibang unibersidad para magkaroon ng kaparehong programa.

Ayon naman kay DTI Secretary Alfredo Pascual, kailangan nila ang mga unibersidad para sa pagbabahagi ng mga teknolohiya na may kinalaman sa short courses. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us