DMW at Saudi Arabia, palalakasin ang kooperasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong sina Migrant Workers Secretary Susan Ople at iba pang opisyal ng Department of Migrant Workers o DMW sa delegasyon mula sa Kingdom of Saudi Arabia na Takamol Musaned Company.

Ayon sa DMW, layon nitong mapaigting ang pakikipagtulungan sa paggamit ng teknolohiya para sa ease of doing business at mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Overseas Filipino worker.

Ito ay sa tulong ng Musaned, na isang electronic platform na makapagbibigay ng komprehensibong sistema para sa mas maayos na labor recruitment at employment process ng mga OFW sa Saudi Arabia.

Ang Takamol Musaned Company ay isang state-owned enterprise sa ilalim ng Ministry of Human Resources and Social Development na siyang nagpakilala sa naturang teknolohiya. | ulat ni Diane Lear

📷: DMW

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us