Inilatag ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga nagawa ng ahensya sa pagsusulong ng interes at kapakanan ng overseas Filipino Workers (OFWs) sa unang taon ng administrasyong Marcos.
Sa inilabas na pahayag ni Migrant Workers Sec. Susan Ople, ilan sa mga matagumpay na nagawa nito ang ligtas na pagpapauwi sa mga na-stranded na OFW sa Sudan. Nabigyan rin ang mga repatriated OFW ng tulong pinansyal.
Isa rin ang ahensya sa nakipagpulong sa European Union upang resolbahin, at maipagpatuloy ang trabaho at sertipikasyon ng Pinoy Seafarers.
Malapit na rin aniyang maresolba ng ahensya ang isyu ng pasahod sa nasa 10,000 construction workers sa Saudi noong 2015, dahil na rin sa ginawang hakbang ng DMW.
Kaugnay nito ay nagpasalamat si Ople sa mga kawani ng ahensya at iba pang sangay ng pamahalaan, sa pagkakaisa at maayos na koordinasyon upang maisulong ang kapakanan ng mga OFW. | ulat ni Diane Lear