Inihayag ng Department of Migrant Workers na maglulusad ito ng mobile app na maaaring magamit ng mga overseas Filipino workers sa susunod na linggo.
Sa inilabas na pahayag ni Migrant Workers Secretary Susan Ople, bahagi ito ng digitalization efforts ng pahalaan upang mas mapabilis at maisaayos ang transaction na ginagawa ng mga OFW.
Ilan sa features ng DMW mobile app ang pag-proseso at pag–issue ng Overseas Employment Certificate na isa sa mga importantenteng dokumento na kailangan ng mga OFW.
Maaari rin humingi ng emergency assistance ang mga OFW gamit ang app.
Kaugnay nito ay plano naman ng Filipino Community leaders na mag-volunteer bilang instructor upang turuan ang mga OFW kung paano mada-download ang app.
Sa ngayon ay pina-fine tune na lang ang app bago ito ilunsad sa publiko. | ulat ni Diane Lear