Nasa 105 na caregivers ang nabigyan ng trabaho ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutungo sa bansang Japan.
Ayon sa DMW, ang naturang deployment ng caregivers ay sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) upang mas mapaigting pa ang people-to-people exchange at ang pagpagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa.
Ayon sa DMW, kanilang sisiguruhin ang kapakanan ng mga OFWs na makatatanggap ng maayos na kompensasyon at benepisyo sa kanilang employers. | ulat ni Arrian Jeff Dagala
📸: DMW