Upang mas matugunan ang ilang pangangailangan ng Overseas Filipino Workers sa usaping legal nakatakdang magdag ng legal officers ang Department of Migrant Workers o DMW para mas matutukan ang legal services para sa OFWs.
Sa isang Virtual Press Conference kahapon sinabi DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na ito’y upang matutukan ang OFWs na nagkaroon ng kaso sa kani-kanilang bansang pinagtatrabahuan.
Samantala, nais ng Department of Migrant Workers na mabigyan ng maayos at matapat na legal assistance ang OFWs upang sa mga susunod pang mga taon ay may makakaagapay na ang mga ito sa pagharap sa kanilang mga kaso laban sa kanilang mga amo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio