Sa kabila ng pagdiriwang ng International Seafarers Day at pagbibigay pugay sa mga Pinoy seafarers sa ating bansa, nakatakdang maglunsad ng kauna-unahang Sea Farers Jobs Fair bukas, June 28.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nasa 1,500 na trabahong alok ng naturang jobs fair mula sa iba’t ibang posisyon sa barko gaya ng hotel, restaurant, galley, food and beverage, casino, bars, photo, beauty parlor, spa and salon, information technology (IT), entertainment, and housekeeping mula sa iba’t ibang shipping companies at cruise ship companies.
Gaganapin ang naturang Seafarers Jobs Fair bukas, June 28, Miyerkules, mula alas-8 ng umaga hangang alas-5 ng hapon sa tangapan ng DMW sa Ortigas, Pasig City.
Magdala lamang ng mga kaukulang mga dokumento at ang kanilang resume. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio