DMW, nakipag-partner sa BSP, BDO Foundation para sa financial education at literacy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para mas magkaroon ng kaalaman ang mga kamag-anak ng ating mga kababayang OFW pagdating sa ipinapadalang remittances ng mga ito nagkaroon ng isang partnership ang Department of Migrant Workers (DMW) katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at BDO Foundation ng financial literacy program.

lumagda ng isang partnership agreement si DMW Secretary Ople, BSP Governor Felipe Medalla, at BDO Foundation President Mario Deriquito sa ilalim ng Pinansyal na Talino at Kaalaman, or PiTaKa Program ng DMW.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople layon ng naturang programa na mabigyan ng gabay ang mga kamag-anak ng mga OFW na maayos na magastos ang mga perang ipinapadala ng ating mga kababayang OFW na nasa ibayong dagat.

Samantala, nagpasalamat naman si Ople kay BSP Governor Felipe Medalla at BDO Foundation President Mario Deriquito sa pag-agapay sa ating OFWs na maging wais sa kanilang financial status ang kanilang kamag-anak upang hindi masayang ang kanilang pinaghirapan sa abroad. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us