Pinasalamatan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang kabayanihan at sakripisyo na makatulong sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng bansa.
Sa selebrasyon ng 28th Migrant Workers Week, ipinaabot ni DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga migranteng mangagawang Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang sakripisyo na magkaroon ng malaking ambag sa ekonomiya at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya kahit na sila ay malayo sa mga ito.
Dagdag pa ni Ople na kanilang ginagawa sa abot ng kanilang makakaya upang magkaroon ng maayos at magandang programa para sa kapakinabangan ng mga OFW.
Sa huli muling sinabi ni Ople na makakaasa ang ating mga OFW na palagiang nakaagapay ang DMW upang tumulong at isulong ang kapakanan ng mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio