DND, kinilala ang pagsasakripisyo ng mga Muslim sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati ang Department of National Defense o DND sa lahat ng mga kapatid na Muslim sa bansa gayundin sa ibayong dagat.

Ito’y kaalinsabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice kung saan ginugunita ang ginawang pag-aalay ni Ibrahim sa kaniyang anak na si Ishmael kay Allah.

Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., sagrado ang araw na ito dahil dito inaalala ng mga Muslim ang kahandaan ni Ibrahim na sundin ang utos ni Allah na isakripisyo ang kaniyang anak na si Ishmael.

Pagkakataon aniya ito para makapagnilay-nilay ang bawat isa, makapagbahagi ng biyayang natanggap at magpakita ng pagtutulungan.

Kasunod nito, pinasalamatan ni Teodoro ang lahat ng mga muslim na kasama sa Defense department para sa kanilang serbisyo sa bansa at sa pagpapanatili ng kapayapaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us