DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Gilberto Teodoro Jr. bilang kanilang bagong kalihim.

Sa isang statement, nagpasalamat si DND Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagtitiwala sa kanya ng Pangulo sa ilang buwan niyang pamumuno sa kagawaran.

Nagpasalamat din si Galvez sa One Defense Team, kabilang ang Armed Forces of the Philippines at mga Civilian Bureau sa supporta sa kanya bilang Officer in Charge.

Ayon kay Galvez, malaki ang natamo ng DND sa pagsulong ng mga priority programs sa internal security, territorial defense, disaster preparedness, at patuloy na pag-unlad ng organisasyon.

Tiniyak naman ni Galvez na ibibigay niya ang kanyang buong suporta sa DND sa sama samang pagsisikap na makamit ang bisyon ng isang mapayapa, matatag at maunlad na bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us