Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro bilang Chairperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa lahat ng nakilahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong umaga.
Sa mensahe ni Sec. Teodoro na binasa ni DND Undersecretary Angelito de Leon sa programa sa Greenfield District, Mandaluyong City, pinaalalahanan ng kalihim ang lahat na ang pagiging listo ang susi sa pagligtas ng sarili at ibang tao sa panahon ng sakuna.
Hinimok ng kalihim ang mga mamamayan na maging aktibo sa pakikilahok sa lahat ng aktibidad ng kanilang lokalidad na may kinalaman sa pag-ingat sa mga natural na kalamidad para sa mas ligtas na pamayanan.
Hindi nakadalo si Sec. Teodoro sa programa ngayong umaga dahil may mahalagang pagpupulong, matapos na pormal na umupo bilang bagong kalihim ng DND kahapon lang. | ulat ni Leo Sarne