DOE, ikinalugod ang pagiging interesado ng local at foreign investor sa renewable energy sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla ang pagpapakita ng interes ng mga lokal at dayuhang investor na mamuhunan sa renewable energy matapos ang pagpasok ng kumpanyang Blue Float Energy upang magtayo ng mga offshore wind project sa isa apat na lokasyon sa Bataan, Batangas, Cagayan, Ilocos, at Southern Mindoro.

Sinabi rin ni Lotilla na ginagawan na ng paraan ng ahensya na mabawasan ang anumang harang, lalong-lalo na pagdating sa offshore wind installation.

Dagdag pa ng kalihim na inaasahang maglalabas ang DOE ng policy at administrative framework para sa efficient at optimal development ng mga offshore wind resources sa bansa sa susunod na animnapung araw, kabilang ang mabilis na pag-apruba sa mga kinakailangang permit.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOE sa mga ahensya ng pamahalaan, local government unit, at mga transmission concessionaire sa pagpapatupad ng Executive Order 21 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Maliban pa sa policy enhancement, mayroon na ring available na insentibo para sa mga renewable energy projects sa ilalim ng 2022 Philippine Strategic Investment Priority Plan.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us