DOE, magpapadala ng electric vehicle bilang backup power source para sa Disaster Relief sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapadala ang Department of Energy (DOE) ng isang unit ng electric vehicle at isang energy converter upang ipahiram sa lalawigan ng Albay.

Kahapon ay nagsagawa ang DOE, katuwang ang Nissan Philippines ng isang demo kung saan ang isang electric vehicle ay nakakonekta sa isang energy converter upang pagkunan ng kuryente.

Ayon sa DOE, ang makabagong paggamit ng mobile power source ay layong makapagbigay ng emergency power sa mga evacuation center sa Albay sa oras na magkaroon ng power outage.

Para kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, mahalaga ang kolaborasyon ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagtugon sa mga kalaamidad, at umaasang matulungan ang Albay sa kanilang pangangailangan sa enerhiya ngayong panahon ng krisis.

Patuloy ring binabantayan ng kagawaran ang anumang inaasahang power interruption sa Albay at sinisiguro rin nito na walang patid ang serbisyo ng kuryente para sa mga essential services habang nagpapatuloy ang pag-alburoto ng Bulkang Mayon.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us