Namahagi ang Department of Health (DOH) Center for Health Development CALABARZON ng nasa 2,000 face masks sa ilang lugar sa Batangas at Cavite na malapit sa Bulkang Taal.
Kabilang na rito ang mga munisipalidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas at Lungsod ng Tagaytay sa Cavite.
Ayon sa kagawaran, layunin nito na mabigyan ng proteksyon ang mga residente lalo na ang mga bata mula sa masamang epekto ng volcanic smog sa kalusugan.
Nakatakda naman na mamahagi ng mga gamot, hygiene kit, at face mask ang DOH CALABARZON sa iba pang bahagi ng Batangas. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.