DOLE, naglabas na ng listahan ng Job Fair sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming lugar sa bansa ang pagdadausan ng job fair kaugnay sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2023.

Kaugnay nito, naglabas na ang Department Of Labor and Employment (DOLE) ng listahan ng mga lugar na pagdadausan ng job fair na maaaring puntahan ng mga naghahanap ng trabaho.

Sa National Capital Region, maraming sangay ng Shoe Mart (SM) ang binuksan para sa job fair kabilang ang Rizal Gymnasium sa Pasig City, Paranaque City Hall Gymnasium at Vista Mall sa Taguig.

May mga bubuksan ding venue sa CAR, Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at Caraga Region.

Pinayuhan naman ng DOLE ang mga job applicant na magdala ng kinakailangang requirements para sa kanilang pag-aapply ng trabaho. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us