DOLE, nakatakdang maglaan ng pondo para sa manggagawang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang maglaan ng pondo ang Department of Labor and Employment para sa mga manggagawang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Aabot sa P50 million na halaga ng pondo ang itu-turn over sa mga local government unit sa lalawigan ng Albay para sa mga manggagawang apektado ng Bulkang Mayon.

Kaugnay nito, sinimulan na ng Department of Labor and Employment ang profiling para sa emergency employment ng mga residenteng pasok sa 6 kilometer permanent danger zone.

Ang nasabing pondo ay bahagi ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program kung saan ang isang miyembro ng apektadong pamilya ay babayaran ng halos P11,000 para sa 30 araw nilang pagseserbisyo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us