DOLE, namahagi ng livelihood packages sa 4Ps graduates sa Mandaluyong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng livelihood packages sa mga 4Ps graduates sa Barangay Addition Hills, Lungsod ng Mandaluyong kaninang umaga.

Ayon kay DOLE Assistant Regional Director Atty. Jude Thomas Trayvilla, nasa 28 Bigasan Package, dalawang Karinderya Package, apat na Nego karts, at isang Tailoring Package ang naipamahagi sa Brgy. Addition Hills sa Lungsod ng Mandaluyong.

Samantala, muli namang sinabi ni Atty. Trayvilla sa mga benepisyaryo na pag-ingatan ang mga pangkabuhayan packages upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangkabuhayan upang hindi muling bumalik sa 4Ps. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us