Kanselado na rin ang mga domestic flight ng Cebu Pacific papunta at galing Cotabato City dahil sa pagsasara ng runway ng Awang Airport para sa agarang pagsasaayos ng aspalto sa runway ng paliparan, batay sa official Notice to Airmen (NOTAM) advisory na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa Cebu Pacific, awtomatikong mabo-book ang mga pasahero ng mga nakanselang flight na Manila-Cotabato at Cotabato-Manila sa mga flight na Manila-Davao at Davao-Manila.
Hindi muna bibiyahe ang mga sumusunod na flight hanggang June 30:
5J 885/886 Manila – Cotabato – Manila
5J 887/888 Manila – Cotabato – Manila
DG 6684/6685 Zamboanga – Cotabato – Zamboanga
Samantala, magkakaroon ang Cebu Pacific ng recovery flights hanggang June 30 na ire-reroute mula o papuntang Davao International Airport.
Mula June 25 – 30, 2023:
5J 957 Manila – Davao (ETD 7:15 AM, ETA 9:15 AM)
5J 958 Davao – Manila (ETD 10:05 AM, ETA 11:55 AM)
5J 955 Manila – Davao (ETD 1:35 PM, ETA 3:30 PM)
June 25, 27, 28, 29, 2023:
5J 956 Davao – Manila (ETD 4:15 PM, ETA 6:05 PM)
June 26 & 30, 2023:
5J 956 Davao – Manila (ETA 4:05 PM, ETA 5:55 PM)
Maaaring i-rebook ng mga pasahero o i-reroute ang kanilang flight papuntang Davao, General Santos, Cagayan de Oro, o Pagadian ng libre, i-refund, o i-convert bilang travel fund kung hindi na tutuloy sa kanilang biyahe.
Available rin para sa mga pasahero ng mga flight ng Zamboanga-Cotabato-Zamboanga ang mag-refund o gawing travel fund ang kanilang flight. | ulat ni Gab Humilde Villegas