Domestic flights ng PAL papunta at galing Cotabato, kanselado simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang mga domestic flight ng Philippine Airlines (PAL) papunta at galing Cotabato City simula ngayong araw dahil sa pagsasara ng runway ng Awang Airport para sa agarang pagsasaayos ng aspalto.

Ang mga kanseladong flight mula ngayong araw ay ang mga sumusunod:
PR 2959/2960 (Daily) Manila – Cotabato – Manila
PR 2957/2958 (July 11) Manila – Cotabato – Manila
PR 2223/2234 (Monday & Thursday) Cebu – Cotabato – Cebu
PR 2487/2488 (Monday & Thursday) Cotabato – Tawi-Tawi – Cotabato

Ang pagsasara ng Cotabato runway ay bilang pagsunod sa official Notice to Airmen (NOTAM) advisory na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Samantala, pagaganahin ng PAL ang kanilang rutang Manila-Davao-Manila bunsod ng pagkakansela ng ruta ng Manila-Cotabato-Manila hanggang June 30:

June 22-23, 2023
PR 4819 Manila to Davao (Daily) – departing Manila at 0820 AM
PR 4820 Davao to Manila (Daily) – departing Davao at 1100 AM

June 24, 2023
PR 4819 Manila to Davao – departing Manila at 0850 AM
PR 4820 Davao to Manila – departing Davao at 1130 AM

June 25-30, 2023
PR 2805 – Manila to Davao (Daily) – departing Manila at 0850 AM
PR 2806 – Davao to Manila (Daily) – departing Davao at 1120 AM

Ayon sa PAL, awtomatikong mabobook ang mga pasahero ng mga nakanselang flight na Manila-Cotabato at Cotabato-Manila sa mga flight na Manila-Davao at Davao-Manila

Inaabisuhan ng PAL ang mga pasahero na sasakay sa replacement flight mula Davao na dapat ay nasa Davao International Airport ng hindi bababa sa tatlong oras bago ang 11:20 AM na scheduled departure time.

Mangyaring makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero ng PAL para sa rebook o refund ng kanilang plane ticket.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us