DOTr, pinamamadali na ang “big ticket projects” sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamamadali na ng Department of Transportation ang mga big ticket project ng kanilang tanggapan na magpapaganda ng antas ng transportasyon sa bansa.

Kabilang sa mga pinamamadali ng kalihim mula sa railway sector ay ang LRT-1 Cavite Extension, North South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway, at MRT line 7 project.

Isa rin sa nais iprayoridad ng DOTr ay ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), at ang konsepto ng EDSA Busway na nais gamitin sa lalawigan ng Cebu at Davao para sa Bus Rapid Transit project (BRT) at ang privatization ng operasyon ng NAIA terminals.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Baustista, pinamamadali na niya ang mga malalaking proyekto na magpapagaan sa sitwasyon ng trapiko at maging sa sitwasyon ng mga pampublikong mananakay sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us