DOTr Sec. Baustista, pinarangalan sa prestihiyosong Asia Leaders Awards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga proyektong magpapaunlad ng pampublikong transportasyon sa buong bansa, pinarangalan sa isang prestihiyosong award si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa Asia Leaders Awards ng Rising Tigers Magazine.

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na patuloy ang kanilang isinasagawang mga reporma sa transportation sector upang mabigyan ng mas komportable at mas reliable na pampublikong transportasyon ang buong bansa.

Dagdag pa ng kalihim na bagamat may mga kinakaharap ang Transportation Department hinggil sa mga flight cancellations at delay, kabilang na ang kakulangan sa license cards, ay patuloy nilang tinutugunan ang mga ito na maibalik na sa normal ang lahat.

Samantala, nagpasalamat naman si Bautista sa natanggap niyang parangal at nangakong makakamit ng ating bansa ang mas ligtas, komportable, at abot kayang pampublikong transportasyon sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us