Target ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan pa ang mga bike lane sa bansa ngayong taon.
Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad.
Ayon kay Melad, nasa 470 kilometers na bike lanes at pedestrian infrastructure ang target na itayo ng DOTr ngayong taon, na layong makapagbigay ng pagbabago sa pananaw ng publiko sa paggamit ng mga kalsada.
Kaugnay nito ay nagsagawa ng ground breaking ceremony ang DOTr sa expansion ng active transport infrastructure sa San Fernando, Pampanga na may habang 37.5 kilometers na nakahiwalay sa main road.
Tinatayang nasa 332,000 na mga residente at mga active transport user ang mabebenepisyuhan ng naturang proyekto.
Bukod dito ay nagtalaga din ng iba’t ibang road project ang DOTr sa expansion ng active transport infrastructure sa siyam na rehiyon, kabilang dito ang Intramuros Active Transport Infrastructure Expansion at Quezon City Bike Bridge. | ulat ni Diane Lear