DSWD at ADB, nagpulong hinggil sa Food Stamp Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy na ang pag-arangkada ng food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakipagpulong na si DSWD Secretary Rex Gatchalian kay bagong talagang Asian Development Bank (ADB) Country Director Pavit Ramachandran at former Country Director Kelly Bird upang talakayin ang pilot run gayundin ang funding modalities ng naturang programa.

Sa ilalim ng pilot rollout ng Walang Gutom 2027 simula Hulyo hanggang Disyembre ay inaasahang maglalaan ng $3-million o katumbas ng ₱168-million technical assistance ang ADB pati na ang JICA at French Development Agency.

Matatandaan nitong nakaraang linggo lang nang ianunsyo ng DSWD na aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng food stamp program.

Tina-target ng FSP na magbigay ng electronic benefit transfer na nagkakahalaga ng ₱3,000 kada pamilya upang ipambili ng mga benepisyaryo ng mga masusustansyang pagkain mula sa DSWD accredited local retailers.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us