Mga bata sa rehiyong Caraga na biktima ng Child Labor tinulungan ngayong ipinagdiriwang ang World Day Against Child labor.
Nakiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) Caraga sa World Day Against Child Labor 2023 araw ng Lunes.
Bilang Co-chair ng Regional Council Against Child Labor (RCACL), ang DSWD-Caraga, sa pamamagitan ng Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood, and Other Developmental Interventions o SHIELD, ay nananatiling komitado upang ipaabante ang adbokasiya kontra child labor.
Kasabay ng paggunita ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, namahagi ang RCACL ng tig-limang kilong bigas, school supplies, at packed lunch sa mga batang biktima ng child labor sa Caraga Region.
Habang ang nga magulang naman nila ay ipinasali sa livelihood training at sa ilalim naman ng SHIELD ay tinanggap ng mga magulang ang livelihood equipment para makapagsimula ng negosyong kakanin.
Ayun naman sa DOLE Surigao del Sur umabot sa mahigit isang daang bata na biktima ng child labor ang napasaya ngayong araw sa nasabing selebrasyon.
Pinagsisikapan ng RCACL na tapusin ang Child Labor sa rehiyon sa pag gunita ng 2023 World Day Against Child Labor bitbit ang temang, “Buong Bands, lahat ng bata, Sama-Sama Para sa, Batang Malaya.”| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan