DSWD Central Office, naglabas ng adjusted schedule sa pagtanggap ng mga kliyente sa AICS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Quezon City sa bagong iskedyul nito para sa pagtanggap ng mga nais na humingi ng tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ayon sa DSWD, simula sa Lunes, June 26, ay magsisimula na ng alas-6 ng umaga ang Scheduling o Step 1 para sa mga kliyente ng AICS at magtatanggal hanggang alas-2 ng hapon.

Mananatili naman ang serbisyong ito mula Lunes hanggang Biyernes.

Paalala lamang nito sa mga hihingi ng tulong, tiyaking dalhin na ang kompletong mga dokumento na angkop sa hinihinging assistance.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us