DSWD, inilunsad ang programa para alalayan ang mga palaboy sa lansangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Oplan Pag-Abot ngayong araw.

Layon ng inisyatibong ito na alalayan ang mga pamilya at mga batang palaboy sa lansangan.

Ayon sa DSWD, sa ilalim ng naturang proyekto ay tutulungan ang mga bata at mga indibidwal na nasa lansangan sa pamamagitan reach-out operations.

Kabilang sa proseso ang initial interview o counseling kung saan kukuhaan ng biometrics at bibigyan ng ID ang bawat indibidwal na isasailalim sa assessment.

Batay sa assessment ang tulong na ibibigay ng DSWD gaya ng medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance.

Target na simulan ang reach-out operations sa Metro Manila, kung saan magkakaroon ng 24 oras na shifting basis ang bawat team ng ahensya na binubuo ng social workers.

Katuwang ng DSWD sa implementasyon ng naturang inisyatibo ang Commission on Human Rights. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us