DSWD, naghatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Kabacan, Cotabato kamakailan.

Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division, nagpadala na ang DSWD Field Office XII ang family food packs sa 1,829 na apektadong pamilya.

Ayon kay DSWD FO XII Director Loreto Cabaya Jr., dahil sa matinding pag-ulan at flashflood ay marami sa mga residente ang nasiraan ng kanilang mga tahanan at nawalan din ng pagkakakitaan.

Tiniyak naman ng ahensya na patuloy itong naka-monitor sa lagay ng mga residente kung sakaling mangailangan pa ang mga ito ng karagdagang tulong.

“We are fully committed to providing immediate assistance to our fellow citizens in times of crisis,” Director Cabaya.

Nagpasalamat naman si Cotabato Gov. Emmylou Taliño sa DSWD XII sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalantang Cotabateño. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD XII

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us