Para matugunan ang problema ng malnutrisyon sa bansa, pinaplano ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglunsad ng isang nationwide nutrition intervention program.
Natalakay na ito sa isinagawang pulong sa pagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Children’s First One Thousand Days Coalition (CFDC) head Joey Lina kasama sila
Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.
Dito, binigyang diin ni Sec. Gatchalian ang pangangailangan ng isang community-driven approach para matugunan ang malnutirsyon sa unang 1,000 araw ng mga bata.
Mahalaga aniya na magkaroon ng nutrition specific at nutrition sensitive programs.
Ipinunto rin ng kalihim ang kahalagahan ng kolaborasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at ng pribadong sektor para sa nutrition intervention program. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD