Hinimok ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) na maglatag ng guidelines upang mapahintulutan ang mga customer na agad mabuksan at suriin ang inorder na produkto online oras na mai-deliver sa kanila.
Naniniwala si PBA Party-list Representative Margarita Nograles na makatutulong ang polisiyang ito na labanan ang dumaraming kaso ng online scam.
Maaari aniya na gumawa ng panuntunan ang ahensya katuwang ang courier service providers upang mabuksan ng shipping o delivery recipients ang inihatid na package sa harap ng mga tauhan ng LBC, J&T, Lalamove, Grab, at kahalintulad na kompanya para matitiyak kaagad kung tama o mali ang inihatid na order.
“We understand the need for security measures to protect packages during transit, but it is equally vital to uphold the rights of consumers. By restricting individuals from verifying the contents of their packages, we inadvertently undermine their trust and satisfaction. We must find a solution that ensures both security and consumer protection,” paliwanag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes