DTI, ipinag-utos ang pagsira sa halos ₱19-M na halaga ng substandard na steel bars

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang agarang pagsira sa tinatayang ₱18.8-milyong halaga ng substandard steel bars.

Ang mga nasabing substandard steel bar ay inilabas mula sa isang lokal na steel mill sa Laguna at nakitang hindi sumusunod sa mga pamantayan nang magsagawa ang DTI, sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards, ng isang surprise inspection.

Aabot sa 136 na bundle ng deformed steel bars ang pinagpira-piraso sa warehouse ng manufacturer noon pang unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ang mga substandard na produkto ay kinakailangang agad sirain upang masiguro na hindi makakarating ang mga ito sa merkado.

Nagpaalala rin ang kalihim sa lahat ng mga manufacturer na sumunod sa mga umiiral na regulasyon upang masiguro ang magandang kalidad at ligtas ang mga produktong inilalabas para sa mga konsumer.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us