DTI, nag-iikot sa iba’t ibang bansa sa Europa para sa ikinasa nilang ‘investment roadshow’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pag-iikot ng Department of Trade and Industry o DTI katuwang ang Board of Investment upang hikayatin ang mga negosyante sa Europa na mamuhunan sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng ikinasang Europe Investment Roadshow na nagsimula kahapon, Hunyo 18 at magtatagal hanggang sa Hulyo 6 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, kabilang sa kanilang bibigyang diin sa mga European Businessmen ang kanilang priority sector tulad ng manufacturing, research and development, higher value service at renewable energy.

Giit pa ng Kalihim, layon ng Europe Investment Roadshow na maibida ang Pilipinas bilang mainam na investment destination sa Timog-Silangang Asya.

Kasalukuyang nasa France ang grupo ni Pascual at nakatakda itong umikot sa iba pang mga bansa sa Europa tulad ng United Kingdom, Belgium, the Netherlands at Germany. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us