DTI Sec. Pascual, nais pang patatagin ang economic relations sa pagitan ng PH at EU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mas patatagin pa ang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at European Union.

Sa naging high-level meeting kasama si European Commission Vice President at Trade Commissioner Valdis Dombrovskis sa Brussels, Belgium, binigyang-diin ni Pascual ang mga naging policy direction ng bansa upang magkaroon ng magandaang business environment para sa foreign investments, tulad ng paglahok ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership at ang pag-institutionalize sa Philippine Open Government Partnership, gayundin ang mga development sa larangan ng environment at good governance.

Para naman kay Dombrovskis, pinahahalagahan nito ang pagiging bukas ng Pilipinas sa trade at investments lalo na sa mga malalaking economic reforms na ipinakilala ng bansa sa larangan ng public services at renewable energy.

Binanggit rin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng EU Generalized Scheme of Preferences-Plus o GSP+ sa pagtataguyod ng inclusiveness at socio-economic development ng Pilipinas, pati na rin sa pagpapabuti ng trade relations sa pagitan ng Pilipinas at EU.

Umaasa ang magkabilang panig na magpapatuloy pa rin ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa pagdating sa usapin ng GSP scheme at ng binubuong Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us