Dumating na sa area of responsibility ng AFP Western Command (WESCOM) ang missile at anti-submarine warfare (ASW) frigate ng Philippine Navy,ang BRP Antonio Luna (FF151), at ang AW159 Wildcat” helicopter.
Idineploy ang dalawang anti-submarine warfare sa western border ng bansa upang tumutok sa maritime at sovereign patrols at masiguro ang presensya ng sandatahang lakas partikular sa West Philippine Sea (WPS).
Ang presensya ng FF151 and AW159 sa WESCOM joint operational area ay nagpapakita ng kahandaan ng AFP at commitment nito na ipagtanggol ang maritime interest ng bansa laban sa anumang potensyal na banta sa nabanggit na bahagi ng bansa.
Tinitingnan ng AFP na ang deployment ng nasabing warfighting assets ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang soberanya at teritorial integrity ng Pilipinas.
Patuloy rin ang pagtutulungan at koordinasyon ng mga tauhan ng FF151 at AW159 upang masiguro ang kahandaan ng mga ito sakaling kailanganin ng pagkakataon I ulat ni Lyzyl Pilapil