Pagtaas sa bilang ng maternal death, pinasisilip

Pinasisilip ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar kung bakit tumataas ang maternal death sa bansa. Sa kaniyang House Resolution 1025, pinakikilos ni Villar ang Committee on Health, Committee on Women and Gender Equality, at Committee on Sustainable Development Goals na magkasa ng isang inquiry tungkol sa isyu. Tinukoy ng mambabatas na noong… Continue reading Pagtaas sa bilang ng maternal death, pinasisilip

Lifetime validity ng PWD cards, ipinapanukala

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong gawing lifetime ang validity ng PWD card. Sa ilalim ng House bill 8440 ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan, mula sa kasalukuyang tatlong taong validity ay gagawing panghabambuhay na ang validity ng naturang card. Sa paraang ito aniya ay mas mapapagaan ang buhay ng mga… Continue reading Lifetime validity ng PWD cards, ipinapanukala

DMW, nagpadala ng mahigit 100 caregivers at nurses sa Japan

Nagpadala ang Department of Migrant Workers (DMW) ng 105 na caregivers at nurses sa Japan ngayong araw. Ito ay sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement na isang komprehensibong bilateral investment at free agreement sa pagitan ng dalawang bansa. Layon ng naturang kasunduan na paigtingin ang trade at investment opportunities ng Pilipinas at Japan. Ayon… Continue reading DMW, nagpadala ng mahigit 100 caregivers at nurses sa Japan

Labor committee chair ng Kamara, suportado ang pagbuo ng National Nursing Advisory Council

Pabor si Rizal representative at House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles sa planong pagbuo ng National Nursing Advisory Council (NNAC). Aniya, susuportahan niya ang hakbang basta’t matitiyak na ‘well represented’ ang bawat stakeholder sa naturang sektor. Ang pagbuo sa NNAC ay inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa sa pagnanais na mas matutukan… Continue reading Labor committee chair ng Kamara, suportado ang pagbuo ng National Nursing Advisory Council

POGO company na sinalakay ng pulisya sa Las Piñas City, iginiit na lehitimo ang operasyon

Nanindigan ang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO company na sinalakay ng pulisya sa Las Piñas City kamakailan na lehitimo ang kanilang operasyon sa bansa. Ayon kay Kong Esqueta, Legal Consultant ng Xianchuang Network Technology Inc., katunayan ay mayroon silang permit o POGO license na epektibo hanggang 2025. Giit pa ni Esqueta, mayroong working visa… Continue reading POGO company na sinalakay ng pulisya sa Las Piñas City, iginiit na lehitimo ang operasyon

SP Zubiri, giniit na walang tampering na nangyari sa Maharlika Investment Fund bill

Nilinaw ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walang tampering na nangyari sa ginawang pagsasama sa dalawang magkaibang prescriptive period ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Matatandaang may mga kumuwestiyon sa naturang hakbang dahil tanging ang senate secretariat lang ang gumawa ng merging ng dalawang probisyon. Muling giniit ng senate president ang naturang pagtatama ay… Continue reading SP Zubiri, giniit na walang tampering na nangyari sa Maharlika Investment Fund bill

Sen. Padilla, bibigyang daan muna ang imbestigasyong ikakasa ng ehekutibo sa nangyaring operasyon sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur

Inatras na muna ni Senador Robin Padilla ang kanyang resolusyon na nananawagan ng pagkakaroon ng isang Senate inquiry patungkol sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur nitong June 18. Ginawa ito ni Padilla matapos ang kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipagpulong kay… Continue reading Sen. Padilla, bibigyang daan muna ang imbestigasyong ikakasa ng ehekutibo sa nangyaring operasyon sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur

Educational assistance, inihatid ng tanggapan ng Office of the Speaker sa mga mag-aaral sa Tolosa

Magkatuwang ang DSWD, Office of the Speaker at Tingog Party-list sa pagpapaabot ng P5,000 educational assistance sa may 900 mag-aaral sa Tolosa, Leyte. Sa maikling mensahe ni Speaker Martin Romualdez sa mga mag-aaral, sinabi nito na ang Assistance to individuals in crisis situations (AICS) ay isa sa mga social program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Educational assistance, inihatid ng tanggapan ng Office of the Speaker sa mga mag-aaral sa Tolosa

Mga suspek sa pamamaril sa isang mamamahayag sa QC, nakasakay ng kotse, motor

May pagkakakilanlan na ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga suspek na bumaril sa isang mamamahayag sa Barangay Masambong. Ayon kay Police Brigadier General Nicolas Torre, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon at nagsasagawa sila ngayong ng pagba-backtrack sa mga CCTV footage. Ani Torre, naplakahan na ang mga suspek na sakay ng isang kotse at… Continue reading Mga suspek sa pamamaril sa isang mamamahayag sa QC, nakasakay ng kotse, motor

SP Zubiri, hindi nabahala sa kumalat na impormasyon tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado

Hindi ikinabahala ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga naging ugong-ugong na magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado noong nasa estados unidos siya para sa tatlong linggong working visit. Ayon kay Zubiri sa tagal na niya sa pulitika ay natuto na siyang ibaba ang kanyang expectations sa bawat hinahawakan niyang posisyon. Pinaalala rin… Continue reading SP Zubiri, hindi nabahala sa kumalat na impormasyon tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado