Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang economic growth rate ng Pilipinas.
Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa gitna ng aniya’y magandang balita na dulot ng nakitang pagbaba sa inflation rate mula 6.6 percent to 6.1 percent.
Ayon sa Pangulo, lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ekonomiya ng bansa.
Mukhang tama naman ayon sa Pangulo ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at nasa tamang direksyon ang mga ipinatutupad na polisiya na may kinalaman sa pagpapasigla ng ekonomiya.
Ang kailangan lang ay ituloy ang kasalukuyang ginagawa at nang sa gayon ay makabalik na sa dating magandang sitwasyon ang estado ng ekonomiya.
Ang May 6.1 percent inflation rate na naitala ay ang ikaapat nang sunod-sunod na pagbaba ng inflation na naitala ng Philippine Statistics Authority. | ulat ni Alvin Baltazar