Patuloy ang pakikipag-partner ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Valenzuela sa iba’t ibang institusyon para sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga person deprived of liberty o PDLs.
Ang Valenzuela City Jail-Female Dormitory, katuwang ang La Salle Greenhills Senior Highschool para mabigyan ng pagkakataon ang ilang PDLS na makapag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System Program (ALS).
Sa tulong nito, ay sinisikap aniya ng BJMP Valenzuela na matulungan ang mga PDLS na hindi mapag-iwanan sa usaping edukasyon at hindi sila magkulang sa kaalaman kahit na sila ay nakapiit.
Ayon naman kay La Salle Green Hills Senior Highschool Office with Alternative Education Associate Principal Rey Ducay, sa pamamagitan ng SHS program ay nais nilang makasiguro na hindi lang basta magtatapos sa pag-aaral ang mga PDL kundi magiging ‘competent’ din sila upang magkaroon ng magandang kinabukasan at trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa