El Niño, malapit nang umiral sa bansa — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng state weather bureau na PAGASA na nalalapit na itong mag-isyu ng El Niño Advisory.

Sa kasalukuyan, ay nasa ilalim pa ng El Niño Alert ang bansa ngunit sa oras na ilabas ang El Niño Advisory ay hudyat na ito na umiiral na ang tagtuyot.

Ayon kay PAGASA Acting Administrator Dr. Esperanza Cayanan, sa kasalukuyan ay hinihintay na lang na maabot ang atmosphere criteria bago pormal na ianunsyo ang El Niño sa bansa.

Sa panahon ng El Niño, ay inaasahan ang below-normal rainfall mas kakaunting ulan at pati na ang tagtuyot at dry spell sa ilang bahagi ng bansa.

Samantala, posible namang maranasan sa kanlurang bahagi ng bansa ang above-normal rainfall lalo sa habagat season.

Kapag may El Niño Advisory na ay inaasahang maglalabas na rin ang PAGASA ng dry spell at drought assessment sa bansa.

Sa tantya rin ng PAGASA, posibleng tumagal ang El Nino hanggang sa unang quarter ng 2024.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us