Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos, nagsagawa ng reception para sa ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng reception ang Embahada ng Pilipinas sa Washington DC na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan ng Estados Unidos at ng mga miyembro ng Diplomatic Corps bilang pagdiriwang sa ika-125 taon ng proklamasyon ng kalayaan ng Republika ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno, isandaan at dalawampu’t limang taon na ang nakalipas at ang pakikipaglaban upang mapanatili bilang isang malayang bansa.

Sinabi rin ng embahador na ang Pilipinas ngayon ay isang masigla at dynamic na bansa bilang resulta ng mga repormang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga nagdaaang administrasyon, kabilang ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Para kay National Security Adviser Jake Sullivan, ang matatag at magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay dulot ng pagsisikap ng mga mamamayan nito, hindi lamang mula sa pamahalaan, kundi pati rin sa lahat ng sektor ng dalawang bansa. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: PH Embassy in Washington, DC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us