Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) IV-A ang entrepreneurial mindset sa mga magsasaka sa CALABARZON tungo sa mas malaking kita at malawak na oportunidad.
Ayon sa pabatid ng kagawaran ay hindi lamang dapat sa produksyon umiikot ang gawain ng isang magsasaka, kinakailangan din nitong buksan ang kaisipan sa mga bagong oportunidad upang mabawasan ang nasasayang na ani sa over production at mapataas ang kita.
Kaugnay nito ay nagsagawa ng pagsasanay ang DA IV-A ukol sa Business Planning and Enterprise Development, Leadership and Organizational Management and Skills Training at iba pa para sa mga magsasaka na kabilang sa Farm and Fisheries Clustering Program ng kagawaran.
Anila, sa pamamagitan nito ay natututo ang mga lider-magsasaka na bumuo ng sariling plano para sa pagsisimula ng posibleng bagong negosyo. | ulat ni Tom Alvarez | RP1 Lucena