Environmental activists, nanawagan kay Pangulong Marcos Jr. kaugnay sa mga isinasagawang reklamasyon sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng paggunita ng “World Environment Day” ay nagsagawa ang iba’t ibang grupo ng isang kilos protesta sa Mendiola Maynila.

Kabilang sa mga kasama sa rally ay mga miyembro ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA, at mga environmental activist.

Bitbit ng mga raliyista ang mga banner at “protest art” na nagpapaabot ng mensahe kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pagpapatigil sa anumang “reclamation.”

Batay kay Fernando Hicap, pinuno ng PAMALAKAYA, higit 100 ang reclamation projects sa buong Pilipinas.

Giit pa ni Hicap, ang anumang reclamation ay hindi lamang banta sa karapatan at kabuhayan ng mga mangingisda kung hindi may panganib ding dala sa marine biodiversity, at sa seguridad sa pagkain.

Kaya pinakamabuti anilang gawin ni Pangulong Marcos ay ipahinto ang mga reclamation project, at sa halip ay “rehabilitation” ang gawin na mas magiging kapaki-pakinabang sa mga mangingisda at mga komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us