Umaasa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mas marami pang competent environmental leaders ang uusbong sa bansa.
Naging panauhin si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa paglulunsad ng Doctorate Program ng University of the Philippines Los Banos – School of Environmental Science and Management.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Balisacan na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 ang mga stratehiya na poprotekta sa kalikasan.
Binigyang-diin nito na sa pamamagitan ng PhD in Environment Diplomacy and Negotiations ay maitataguyod ng scholars at professionals ang evidence-based information bilang pundasyon ng international environmental policies and relations sa Southeast Asia.
Ang doctorate program ay may layuning isulong ang people-to-people diplomacy tungo sa sustainable management ng mga likas na yaman at paghubog ng mga mamumuno rito.| ulat ni Hajji Kaamiño