Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 31 para sa institutionalization ng Philippine Open Government Partnership,na mangangasiwa at magpapatupad ng commitment ng bansa, bilang isa sa founding member ng Open Government Partnership (OGP).
Isa itong international partnership na layong siguruhin na ang National Action Plan (NAP) ng mga kasapi nito ay naka-angkla sa transparency, accountability, partisipasyon ng mamamayan, at inobasyon.
Sa ilalim ng EO, pangungunahan ng DBM secretary ang bubuuing komite. Magiging miyembro naman nito ang Executive Secretary, mga kalihim ng NEDA, DILG, DSWD, 4 na government sector representatives, National President ng Union of Local Authorities of the Philippines, at 10 CSO representatives.
Ang komite rin ang mangunguna sa pag-evaluate at pag-monitor ng implementasyon ng National Action Plan sa ilalim ng OGP.
Ito rin ang naatasan na mag-develop ng advocacy plan na naka-focus sa progreso at layunin ng PH-OGP steering committee.
Pirmado ni Pangulong Marcos Jr. ang EO, ika-20 ng Hunyo, 2023. | ulat ni Racquel Bayan