Nakatakdang rebyuhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang aplikasyon ng power utility companies para sa power cost adjustment sa loob ng dalawa hangang tatlong buwan.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nasa 48 distribution utilities ang nag-apply sa naturang power cost adjustment.
Dagdag pa ni Dimalanta, na ang naturang aplikasyon ay mula pa noong 2020 at 2022.
Ito ay upang magkaroon ng dagdag na cost adjustments na ilang taon na nilang inaaplayan. | ulat ni AJ Ignacio