Evacuation plan para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan, pinadedetalye ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat nang kumpletuhin ng gobyerno ang evacuation plan para sa mga Pilipinong manggagawa sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon kay Sen. Marcos, ito muna ang dapat unahin kaysa sa ang planong relokasyon ng mga Afghan refugee dito sa Pilipinas.

Sinabi pa ng Senate Committee on Foreign Relations Chairperson, na ang evacuation plan ang dapat na agarang layunin ng humanitarian at disaster response efforts ng ating bansa katuwang ang Estados Unidos sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ipinunto pa ng senador, na ang US ay naghahanda na ng evacuation plan para sa kanilang mga kababayang nasa Taiwan, gayundin ang Indonesia.

Nais ni Senador Imee, na idetalye ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang plano para sa repatriation ng mga OFW sa Taiwan…

Kabilang na kung paano sila ililikas sa naturang bansa, anong flight o shipping route ang tatahakin, anong uri ng transportasyon ang gagamitin, at kung paanon maililikas ng mabilis ang Pinoy evacuees. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us