Tumaas ang average farmgate price ng palay sa ₱18.57 kada kilo noong Marso, ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito ng 2.1% kung ikukumpara sa ₱18.19 kada kilo na palay farmgate price noong pebrero at mas mataas rin ng 6.5% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa ₱17.43 kada kilo.
Sa mga rehiyon naman, ang Region 1 ang may pinakamataas na farmgate price ng palay na umabot sa ₱20.83 ang kada kilo.
Habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Eastern Visayas sa ₱16.49 kada kilo.
Ayon sa PSA, lahat ng rehiyon ay nagtala ng positibong year-on-year growth rates noong Marso.
“Region I (Ilocos Region) posted the highest annual increase of 11.6 percent, while Region X (Northern Mindanao) registered the lowest year-on-year increment of 0.5 percent,” pahayag ng PSA. | ulat ni Merry Ann Bastasa