FDA, iinpeksyunin ang cold storage facilities ng mga botika na magbebenta ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccines

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na iinspeksyunin at imomonitor nila ang mga cold chain storage ng mga botika na magbebenta ng inaprubahang Pfizer bivalent COVID-19 vaccines.

Ayon kay FDA Director Jesusa Cirunay, may specific temperature lang na kinakailangan para mapanatili at hindi masira ang mga bakuna.

Pinaalala rin ng FDA na tanging sa mga botika at hospital lang magiging available ang mga bivalent vaccine at hindi nila papayagan ang online selling nito.

Kailangan ring sa mga botika o ospital mismo iturok ang bakuna, bawal itong iuwi sa bahay at bawal rin ang self-administration nito.

Paniniguro ng FDA, ligtas ang Pfizer bivalent vaccines na inaasahang magbibigay ng proteksyon hindi lamang sa original strain ng COVID-19 kundi pati sa omicron subvariants ng virus.

Tiwala naman ang ahensya na hindi makakaapekto ang CPR issuance sa Pfizer bivalent vaccines sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program ng gobyerno ay sa halip ay icocomplement pa nito ang vaccination program. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us