Tuloy na ang pag-arangkada sa agosto ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project ng administrasyong Marcos.
Ito matapos na aprubahan na ng World Bank ang loan para sa pitong taong proyekto na layong iahon mula sa kahirapan ang higit isang milyong mangingisda sa 24 na probinsya sa bansa.
Popondohan ng US$209-million o katumbas ng P11.42-billion ang proyekto na pangangasiwaan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Sa ilalim nito, itataguyod ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya para masuportahan ang mga mangingisda, makapagtayo ng mga pasilidad para sa rehabilitasyon ng coastal at marine habitats, at iba pang intervention para maiangat ang productivity sa fisheries sector.
“FishCoRe aims to develop aquaculture and fisheries enterprises in aqua-industrial business corridors through subprojects like satellite multi-species hatcheries, offshore mariculture in climate-resilient cages, postharvest handling and fish/shellfish processing, with packaging and labeling intervention, and provision of climate-resilient technologies, and storage house for dried seaweed production, among many others.”
Oras na simulan na ang proyekto, ipatutupad ito sa major fishing grounds ng northwest coast ng Luzon, at maging archipelagic waters sa pagitan ng Visayas at Mindanao.
“We thank the World Bank and all our partner national government agencies for helping us prepare for the eventual implementation of the FishCoRe project,” BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: BFAR